Numero uno ang kwitis sa sanhi ng firecracker-related injuries matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon.
Ayon kay DOH Undersecretary Eric Tayag, umabot sa 45 indibidwal ang nasugatan dahil sa kwitis, 27 sa boga habang 11 ang naputulan ng daliri dahil sa paputok.
Umakyat na anya sa 211 ang naputukan pero maaari pa itong madagdagan dahil sa January 6 pa matatapos ang pagbibilang ng firecracker-related injuries.
Sa datos ng DOH, ang kasalukuyang bilang ay mataas ng 11% kumpara noong nakaraang taon na nasa 182 lamang. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla