Ipinag-utos ni Cebu governor Gwendolyn Garcia ang pagbabawal ng paputok at pyrotechnics sa lalawigan.
Batay sa Executive Order, sinabi ni Garcia na mapanganib para sa lugar na magpaputok dahil sa mga natumbang puno at halaman gayundin aniya ang imbakan ng gasolina at diesel bunsod ng pananalasa ng Bagyong Odette.
Bagama’t aniya nakagawian ng mga residente ng Cebu ang gumamit ng paputok ngayong Kapaskuhan hanggang sa bagong taon, binanggit ni Garcia na kasalukuyang nasa ilalim ng State of Calamity ang lalawigan.—sa panulat ni Airiam Sancho