Pormal na ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang pagbabawal sa pagpapaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa isang executive order, ibinabala ni City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na maliban sa paputok ay kukumpiskahin din ang mga pyrotechnic devices habang aarestuhin ang mga mahuhulihan nito.
Layunin aniya nito na matiyak ang kaligtasan ng mga Marikeños lalo na ngayong may kinakaharap tayong pandemyang dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Paliwanag ni Teodoro, ipinalabas niya ang direktiba kasunod ng resolusyon ng Regional Peace and Order Council na nagbabawal sa paggamit ng paputok sa Metro Manila.
Samantala, mahigit ding ipinagbabawal ang fireworks display dahil pa rin sa COVID-19 pandemic. —ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)