Ipinahiwatig na ni Trade Secretary Alfredo Pascual ang pagpayag sa hirit ng mga manufacturer na magtaas ng suggested retail price (SRP) sa ilang basic necessities at prime commodities.
Ayon kay Pascual, kinikilala ng Department of Trade and Industry ang mga panawagan ng mga manufacturing company na payagan na silang magtaas ng presyo.
Ito, anya, ay upang makapagpatuloy ang kanilang mga kumpanya na apektado rin ng pagmahal ng commodities sa buong mundo, lalo na ang mga nag-aangkat para sa kanilang produksyon.
Aminado ang kalihim na dapat intindihin na kailangang pagalawin na ang presyo alinsunod sa nangyayari sa merkado upang maiwasan ang tanggalan ng mga tao sa mga kompanya para makatipid.
Anumang araw mula ngayon ay ilalabas na ng DTI ang panibagong srp sa ilang food products, gaya ng de-latang sardinas, karne, gatas at kape.