Iminungkahi ni Senadora Cynthia Villar na palitan na lamang ang kinatawan ng Pilipinas sa Kuwait upang maiwasan na ang anumang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon sa Senadora, nangangamba siyang mapag-initan o di kaya’y pahirapan ng Kuwaiti Government si Amb. Rene Pedro Villa kung mananatili ito sa kaniyang puwesto sa naturang bansa.
Paliwanag ni Villar, layunin lamang nito na tiyaking ligtas si Villa mula sa kamay ng Kuwaiti Government kahit pa nasa tama ang ginagawa nitong hakbang para sa mga Pilipino ruon.
Kasabay nito, sinabi ni Villar na kaniya nang nauunawaan ang sitwasyon kung bakit agresibo ang mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait.