Iba’t ibang programa ang iniaalok ng SM Foundation Incorporated upang makatulong sa mamamayang Pilipino.
Kabilang na rito ang proyekto para sa edukasyon tulad ng scholarship at school building programs, ang sustainable agriculture na naglalayong tulungan ang mga magsasaka at ang health and wellness programs.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang-diin ni SMFI Assistant Vice President, for Corporate Affairs and Sustainability Victor Persius Chan na mayroon silang programang tinatawag na “collaboration for social good” kung saan ay nakikipag-ugnayan o partnership sila sa iba’t ibang institusyon.
Layunin nito aniya na mapayabong o mapabuti pa ang mga proyekto o social good sa bansa.
Kaugnay nito, katuwang ng SMFI sa programa ang University of the Philippines-Los Baños College of Human Ecology (CHE).
Ipinabatid naman ni UP-Los Baños, Department of Social Development Services – College of Human Ecology (CHE), assistant professor Dr. Rita Mae Ang-Bon na isang magandang oportunidad na nakasama nito ang SMFI sa isang partnership program na naglalayong isulong ang social development and sustainability.
previous post