Mas lalo pang dapat paigtingin ang pagtutulungan ng lahat para mapababa ang kaso ng COVID-19.
Ayon ito kay professor Guido David, fellow ng OCTA research group matapos sumirit pa sa mahigit 17,000 ang mga bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.
Sinabi sa DWIZ ni David na bahagya namang bumagal ang hawahan sa Metro Manila, pero marami pa ring mga lugar tulad sa lalawigan ng Rizal, Cebu City at ilang areas sa Mindanao ang tila bumilis ang transmission ng COVID-19 sa mga nakalipas na araw.
Sa Rizal ..bumibilis ‘yung hawaan eh, base du’n sa pinablish naming report, and may mga…nu’ng chineck ‘yung numbers kaming mga ibang lugar na medyo nag-i-slowdown na pero mataas ‘yung bilang for examples Cebu City, mataas ‘yung cases nila even sa Minadanao may mga places du’n na mataas ang bilang ng kaso tsaka ‘yun nga Calabarzon and Central Luzon at definitely concerning ‘yan pero hindi ‘yan totally unexpected in the sense na actually sinabi ito last week na most likely lalagpas ito ng 16K cases within the week or next week yata, pero ‘yun nga ‘yung nangyari…medyo mas maaga so kailangan pa rin nating patuloy na magtulong-tulungan para mapababa natin ‘yung bilang ng kaso.
Si professor Guido David, fellow ng OCTA research group sa panayam ng DWIZ.