Hinimok ni outgoing Trade Secretary Ramon Lopez si incoming Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfred Pascual na palakasin pa ang produksyon ng mga kalakal sa bansa.
Ito’y upang mapanatiling mababa ang presyo ng mga bilihin sa gitna ng mataas na inflation rate na 5.4% na kinakaharap ng susunod na adminitrasyon.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, ang nasabing panawagan ay kabilang sa napag-usapan nina Lopez at Pascual sa kanilang pulong noong isang linggo.
Ang nasabing istratehiya ay ipinatupad din noong 2018 nang maranasan ng bansa ang 6.4% inflation rate.
Hinikayat din anya ng DTI ang mga local farmer na mag-produce ng karagdagang produkto upang matiyak na may sapat na supply, lalo ng bigas nang sa gayo’y mapanatiling mababa ang presyo nito.
Samantala, patuloy ang ugnayan nina Lopez at Pascual at nagbibigay din ng updates ang kasulukuyang kalihim sa susunod na DTI chief.