Mga nakatatanda, hinihikayat na magpabakuna laban sa COVID-19 para maprotektahan na rin ang mga bata na kasama nila sa kanilang tahanan ayon sa isang pediatrician.
Sampung porsiyento ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa ay mga bata o kabataan ayon sa Philippine General Hospital (PGH).
Tanging ang bakunang Pfizer pa lamang ang pinahihintulutang bakuna para sa mga menor-de-edad na hindi pa kasama sa priority list.
Ang tawag sa stratehiyang ito ay ‘cocoon strategy’ na kung saan protektado na rin ang mga bata sa loob ng tahanan kung fully vaccinated na ang mga matatandang kasama nito sa bahay.
Base rin sa Department of Health’s Technical Advisory Group na mahalagang magpabakuna ang mga nakatatanda dahil sa banta ng delta variant na lubha ring nakahahawa sa mga bata o menor-de-edad.
Mensahe rin ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines, na kapag bakunado ang matanda, protektado na rin ang mga bata, kaya magpabakuna na kontra COVID-19.—sa panulat ni Angelo Baino