Posible umanong magkaroon ng killing field sa Pilipinas kung magpapatuloy ang istilo ng PNP o Philippine National Police at Duterte administration sa pagsugpo sa iligal na droga.
Sinabi ni Senadora Risa Hontiveros, maituturing na pag-amin na mali ang Pangulo sa pagtantiya na matatapos ang problema sa loob ng anim na buwan kung palalawigin pa ang naturang kampanya kung saan may napapatay, aniya, halos araw-araw.
Kaugnay nito, hiniling ni Hontiveros na huwag nang palawigin pa ng gobyerno ang gera sa iligal na droga kung may kaakibat na extrajudicial killings ang gagamiting istilo.
“Wag na nila pong i-extend hanggang 2022, ang average po natin sa ngayon ay isang libong Pilipinong napapatay bawat buwan so kapag inextend po itong istilo war on drugs hanggang 2022 we’re looking at 72,000 na mga kababayan natin na posibleng mapapatay, para na tayong naglilikha ng Philippine version ng killing field”, pahayag ni Sen. Risa Hontiveros.
By: Avee Devierte / Cely Bueno / Race Perez