Napili si Para-powerlifter Aichelle Guion para magsilbing National Team Flag bearer ng Pilipinas sa 11th ASEAN Para Games na gaganapin sa Hulyo a-30 sa Surakarta City, Indonesia.
Ayon kay Philippine Paralympic Committee president Mike Barredo, kanilang ikinagalak nang tanggapin ni Guion ang imbitasyon na maghatid at maging pinuno ng delegasyon ng Pilipinas sa pagbubukas ng naturang kompetisyon.
Napili si Guion bilang pagkilala sa kanyang mga nakaraang athletic accomplishments sa pagbibigay ng karangalan sa bansa noong 2012 London Paralympic Games.
Bukod pa dito, nanalo rin si Guion ng tig-isang silver medal sa parehong weight class noong 2014 Incheon at 2018 Jakarta Asian Para-Games.
Samantala, nakatakdang umalis ang Philippine Team sa isang chartered flight papuntang surakarta sa Hulyo a-26, apat na araw bago ang pormal na pagsisimula ng Sportsfest.