Sinimulan na ng Caloocan City government ang mobile o house-to-house vaccination sa mga bedridden na walang kakayahang pumunta sa vaccination sites.
Mismong mobile vaccination team ang nagbabahay-bahay sa mga nakaratay na senior citizen at person with disability gamit ang one-dose Janssen vaccines.
Para naman ma-control ang bilang ng mga taong lumalabas, mahigpit pa ring ipinatutupad sa lungsod ang color-coded quarantine pass system ngayong nasa ilalim ng MECQ ang Metro Manila.
Bagaman ibinaba sa MECQ ang quarantine status sa NCR Inabisuhan ng lokal na pamahalaan ang mga residente lalo ang mga unauthorized persons outside residence na iwasang lumabas kung hindi mahalaga ang pupuntahan.—sa panulat ni Drew Nacino