Hindi nabago ang mode of transmission matapos ma-detect ang unang kaso ng bagong variant ng coronavirus sa bansa.
Ayon ito sa Department of Health (DOH) bagamat walang mababago o manananatiling epektibo ang ipinatutupad na minimum public health standards para labanan ang pagkalat ng nasabing sakit.
Kaugnay nito, hinimok ng DOH ang local government units na higit na maging alisto at tiyaking mahigpit na nasusunod ang quarantine at isolation protocols.
Ang UK variant ng coronavirus ay na-detect sa isang Pilipino na umuwi ng Pilipinas mula sa United Arab Emirates nitong nakalipas na ika-7 ng Enero matapos umalis ng bansa at magtungo sa Dubai noong ika-27 ng Disyembre dahil sa negosyo.