Para sa mga laging stress at hindi na napapansing nakakaapekto na sa ating mga ginagawa;
Ano nga ba ang palatandaang stress ka?
- Nagiging iritable ka. Mabilis kang mainis sa mga tao o bagay sa paligid mo
- Nagkakaroon ka na ng singaw o sugat sa bibig
- Palagi kang gutom. Naghahanap ka palagi ng mga hindi masustansyang pagkain tulad ng mga prito, matataba, maaalat at matatamis na pagkain
- Sumasakit ang iyong tiyan o minsan parang hindi ka natutunawan
- Nagkakaroon ka ng maraming tigyawat sa mukha
- Sobrang bilis ng tibok ng iyong puso at sumasakit ang iyong mga muscles
- Laging masakit ang iyong ulo
- Lagi kang pagod. Kahit nakatulog ka ay parang kulang pa din ang pahinga.
Kapag nakakaranas ng mga nabanggit, magpahinga, matulog ng walong oras kada araw at magdasal upang maiwasan ang stress.