Umarangkada na sa Maynila ang parada kontra paputok upang himukin ang publiko na huwag gumamit ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.
Pinangunahan ng grupong Ecowaste Coalition ang naturang aktibidad kasama ang mga pulis, bumbero at mga kabataan.
Nagmartsa ang grupo sa Malate bitbit ang ilang plakards na naghihimok sa paggamit ng alternatibong pampa-ingay tulad ng torotot, kaldero at planggana sa bagong taon.
Hinimok din ng grupong Ecowaste na iwasan ang pagsusunog ng gulong upang hindi makadagdag sa polusyon.