Pinaghahanda ng National Service (NWS) ang mga residente ng California dahil sa paparating na sunod-sunod na bagyo.
Ayon sa Weather Buraru, posibleng maapektuhan nito ang Northern at Central California na makararanas ng matinding pag-ulan at pagbagsak ng makapal na nyebe(snow).
Nabatid na 6 na katao na ang namatay sa naturang lugar dahil sa masamang panahon.
Mahigit 400,000 kabahayan din ang nawalan ng suplay ng kuryente.