Inirekomenda ni Presidential Adviser on Entrepreneurship at GO Negosyo Founder Joey Concepcion ang “Paradigm shift” sa pagbabantay sa COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay Concepcion, kabilang sa bagong sistema ang hindi pagtingin sa daily new case counts at pangangamba sa mild cases ng COVID-19 sa gitna ng banta ng Omicron variant.
Dapat anyang i-monitor lamang ang mga severe case na na-o-ospital at alamin kung sino sa mga nagkakasakit ang hindi bakunado, bakunado at tinurukan ng booster.
Binigyang-diin ni Concepcion na dapat magpatuloy ang buhay o mamuhay kasama ang COVID-19 at magtiwala sa mga bakuna, na mabisa upang ma-control ang pagkalat ng naturang sakit. —sa panulat ni Drew Nacino