Sinuspinde na ng provincial government ng Cebu ang lahat ng Paragliding activities sa Bayan ng Oslob matapos ang aksidenteng pagkamatay ng isang American Professional Paraglider, noong linggo.
Kinumpirma ni Cebu Provincial Tourism Officer Ma. Lester Ybañez na indefinite suspension ang kanilang ipinatupad matapos bumagsak sa bulubunduking bahagi ng Sitio Can-Aw, Barangay Poblacion ang biktima.
Kinilala ang dayuhang si Peter Clifford Humes, 63- anyos mula New Jersey sa U.S.
Bagaman iniimbestigahan pa, isa anya sa nakikitang dahilan ng trahedya ay pilot error.
Nasa Oslob si Humes upang tumulong sa expansion at improvement ng paragliding sa Cebu makaraang i-hire ng Oslob Cebu Paragliding Development na nag-a-alok ng Paragliding activities sa mga turista at propesyunal simula noong 2021.