Natapos na ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang parallel count ng mga election returns matapos ang anim na linggo.
Tungkulin ng PPCRV na suriin ang transmission fraud at mano-manong i-encode ang mga kopya ng election returns at protektahan ang mga boto laban sa vote-shaving o dagdag-bawas na boto.
Umabot naman sa 98.6% ang naitalang match rate sa natanggap na 107,785 na election returns habang walong ERs ang dapat sumailalim sa imbestigasyon ng Commission on Elections (COMELEC).