Umapela ang VACC o Volunteers Against Crime and Corruption sa NBI o National Bureau of Investigation na magsagawa ng patas na imbestigasyon.
Kaugnay pa rin ito sa ginawang pagsalakay ng mga pulis sa tahanan ng mga Parojinog sa Ozamiz City kung saan napatay ang labing lima (15) kabilang na si Mayor Reynaldo Parojinog Sr. gayundin ang asawa nito.
Ayon kay VACC Founding Chairman Dante Jimenez, hinihintay na lamang nila ang magiging sagot ng NBI hinggil sa kanilang kahilingan.
Ginawa ni Jimenez ang pahayag kasunod ng pagpapasaklolo sa kanila ni Ozamiz City Vice Mayor Nova Parojinog-Echavez bunsod ng nangyaring insidente.
By Jaymark Dagala