Nakapagtala ng 1.2 mismatch rate ang isang poll watchdog sa parallel vote counting nito ay dahil umano sa misencoding.
Ito ay ayon kay Commission on Elections (COMELEC) acting Spokesperson John Rex Laudiangco, nakapag-encode na ng mahigit 60 libo sa halos 80 libong pisikal na kopya ng Election Returns (ERS) na natanggap nito.
Dagdag ni Laudiangco may 500,000 na indibidwal ang nagboluntaryong makipagtulungan sa PPCRV sa pagpapatunay nito ng mga boto noong national and local elections.
Ang mga volunteers sa PPCRV Command Center sa University of Santo Tomas sa manila ang responsable para sa encoding ng bilang ng ERS para sa beripikasyon.
Samanta, sinabi ni Laudiangco, kumpiyansa ang poll body na ito malulutas din ang naturang usapin.