Muling binuksan sa Parañaque National High School Main Campus ang pinalawak na face-to-face classes sa pamamagitan ng “hybrid learning” sa gitna ng mga hamon ng COVID-19 pandemic.
Ito’y makaraang aprubahan ng Department of Education (DepEd) at Inter-Agency Task Force (IATF) ang pilot run ng limitadong in-person classes.
Welcome naman kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang mga batang lalahok sa pilot opening ng limitado at boluntaryong in-person classes sa minimal risk na mga lugar.
Papayagan namang makabalik ang mga teaching at non-teaching personnel na fully vaccinated upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral. —sa panulat ni Mara Valle