Magbibigay ng P100-M budget ang Pamahalaaang Lungsod ng Parañaque para sa pagbili ng mga next-generation COVID-19 vaccine na mas epektibo laban sa mga variant ng Omicron.
Ayon kay Parañaque Mayor Eric Olivarez, bibili ang kanilang lokal na pamahalaan ng mga bagong uri ng bakuna, na nag-aalok ng mas mabisang proteksyon laban sa Omicron XBB at XBC subvariant sa unang bahagi ng susunod na taon.
Dagdag pa ng Alkalde, kinakailangan ang pagbili ng naturang bakuna dahil mayroon pa ring mataas na insidente ng Covid-19 sa mga ganap nang nabakunahan.
Samantala, inatasan ni Olivarez si City Treasurer Dr. Anthony Pulmano na ihanda ang mga kinakailangang pondo para sa pagbili ng bagong henerasyon ng mga bakuna. —sa panulat ni Hannah Oledan