Sinisimulan na ng Lokal na Pamahalaan ng Parañaque at Manila ang pamamahagi ng mga pamaskong handog sa mga residente.
Aabot sa mahigit na 200,000 katao ang nakatanggap mula sa Parañaque habang 200,000 na Christmas boxes ang naipamahagi ng Manila Local Government Unit (LGU).
Ayon kay Atty. Princess Abante, Spokesperson ni Mayor Honey Lacuna, inaasahang matatapos ng Lungsod ng Maynila ang pamamahagi ng halos 700,000 na kahon sa Disyembre a-12.
Magugunitang aabot sa 695,000 na Christmas food boxes ang inihanda ng pamahaalaan para sa mga Pamilyang Manilenyo.
Samantala, sinabi naman ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez, umaasa siyang makapagbibigya ng kasiyahan ang mga Pamaskong Handog at biyang kahulugan ang selebrasyon ng Pasko ngayong taon. —sa panulat ni Jenn Patrolla