Mag-iisyu ng show-cause order ang isang korte laban kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez matapos na maturukan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ang aktor na si Mark Anthony Fernandez.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III, ang naturang hakbang ay dahil sa command responsibility nito hinggil sa nagpapatuloy na vaccination program ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Densing na sang-ayon din ito sa atas ng Pangulong Rodrigo Duterte na pagpaliwanagin ang naturang opisyal.
Mababatid na naturukan na ng bakuna kontra COVID-19 si Fernandez kamakailan, kahit pa hindi ito kabilang sa priority list ng pamahalaan na makatanggap nito.
Pero agad namang dumepensa ang alkalde at sinabing may comorbidities ang aktor kaya’t pwede na itong mabakunahan.
Sa panig naman ni Fernandez, sinabi nito na malakas ang kanyang pangangatawan, walang iniinom na anumang maintenance medicine, at walang nararamdamang sakit.