Ibinida ng pamahalaang lungsod ng Parañaque na pasok ang kanilang lungsod sa itinakdang deadline ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pamamahagi ng social amelioration program (SAP) ngayong araw.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, kanila nang pinupunuan ang nalalabing apat na porsyento o mahigit 2,00- mula sa kabuuang 77,674 na pamilya na kabilang sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa panayam ng DWIZ kay Olivarez, inamin nito na naging pahirapan para sa kanila ang pamamahagi ng tulong sa mga nasasakupan nito dahil hindi aniya lahat ay ibinilang ng dswd sa mga mabibiyayaan ng ayuda.
Gayunman, tiniyak ng alkalde na sa sandaling matapos na nila ang pamamahagi ng tulong mula sa dswd ay kanila nang ilalarga ang pamamahagi ng tulong mula sa kaban ng lungsod para sa mga hindi napabilang sa listahan.