Nanindigan ang Malacañang na walang batayan ang paratang ng ilang kampo ng mga pulitiko na sasadyaing magkaroon ng malawakang brownout sa halalan sa Mayo 9.
Sinabi ni Presidential Communications Group Secretary Sonny Coloma na taliwas ito sa ginagawa ngayon ng gobyerno para matiyak na hindi magkakaroon ng aberya sa darating na halalan.
Tiniyak ni Coloma na puspusan ang paghahanda at masinsinan ang pagtutok ng Department of Energy para matiyak na may sapat na suplay ng kuryente.
Sa katunayan aniya, nakipagpulong na si Energy Secretary Zenaida Monsada sa mga stakeholder nitong nakalipas na linggo.
Hiningi nito ang commitment para sa sapat na suplay na kuryente sa May 9 elections.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)