Mariing itinanggi ng Manila Electric Company o MERALCO ang paratang ng isang consumer group na umano’y ginagamit nila ang bilyon-bilyong pisong halaga ng bill deposit ng kanilang mga customer.
Sa sulat na ipinadala ng consumer group na National Association of Electricity Consumers for Reforms o NASECORE kinukwestiyon nila ang umano’y paggamit ng MERALCO sa 61 billion pesos na halaga ng bill deposit na dapat ay nagsisilbing garantiya lang sakaling di makabayad ang customer.
Depensa naman ng MERALCO hindi totoo ang paratang ng NASECORE dahil pwedeng kunin ng customer ang deposito kung kinakailangan.
Pinalagan din ng MERALCO ang hirit ng Department of Energy o DOE na ipa-audit ang kanilang libro sa Commission on Audit o COA, aniya hindi sila obligadong sumailalim dito dahil sa pribadong kumpanya ang MERALCO.
—-