Muling hiniling ng isang obispo ng Simbahang Katoliko kay Pangulong Noynoy Aquino na bigyan na ng parole ang mga nakatatanda at may sakit nang bilanggo.
Ayon kay Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo, nananalangin siyang kahahabagan ng Pangulo ang mga bilanggo na nasa dapit hapon na ng buhay, may sakit at may kapansanan na.
Giit ng obispo, sakaling pagbigyan, ito na aniya ang pinakamagandang regalong matatanggap ng mga naturang bilanggo.
Binigyang diin pa ni Pabillo na sa ngalan ng pagdiriwang ng banal na taon ng awa, mapakinggan at tumalima nawa ang Pangulong Aquino sa pagbibigay awa sa mga may higit na kailangan nito.
By Jaymark Dagala | Aya Yupangco (Patrol 5)