Inihahanda na ng kampo ni Davao Mayor Rodrigo Duterte ang kasong isasampa laban kay Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Atty. Salvador Panelo, abogado ni Duterte, malinaw na gawa gawa lahat ni Trillanes ang alegasyong may P211 million pesos si Duterte sa BPI Julia Vargas Branch na hindi nya isinama sa kanyang Statement of Assets liabilities and Networth o SAL-N.
Mismong ang BPI na anya ang nagpapatunay na peke ang mga dokumentong inilabas ni Trillanes hinggil sa mga transaksyon sa bank account ni Duterte.
Dahil dito ay hinamon ni Panelo si Trillanes na tuparin ang pangako nyang magbibitiw bilang senador at aatras bilang vice presidential candidate kung mapapatunayang mali ang kanyang akusasyon.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Salvador Panelo
Trillanes’ Camp
Tiniyak ni Senator Antonio Trillanes na inihahanda na ng kanyang mga abogado, ang kaso laban kay Davao Mayor Rodrigo Duterte.
Ito ay kasunod ng kanilang face-off ngayong araw.
Binigyang diin ni Trillanes, na mahalagang masuri ang mga itinatagong yaman ng isang kandidato, bilang tulong sa mga botante na mamimili ng susunod na lider ng bansa.
Bahagi ng pahayag ni Senator Antonio Trillanes
By Len Aguirre | Ratsada Balita