Nakatakda nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 19.37 kilometer Pasig River Expressway o PAREX project sa Oktubre.
Ito ang tiniyak ni Bataan 2nd District Rep. Jose Enrique Garcia III, sponsor ng P150.7 bilyong proposed 2022 budget ng Department Of Transportation.
Ayon kay Garcia, planong simulan ang proyekto isang taon matapos lagdaan.
Inaasahangmagsisimula sa Oktubre ng susunod na taon ang konstruksiyon ng proyekto o matapos ang termino ni Pangulong Duterte.
Sa ilalim ng Parex Project na itatayo ng San Miguel Corporation o SMC, pagdurugtungin nito ang East at Western portion ng Metro Manila at babagtasin ang kahabaan ng Pasig river.
Bagaman inuulan ng batikos mula sa mga environmental group, tiniyak naman ni SMC resident Ramon Ang na magiging environment-friendly at inclusive ang Parex sa oras na matapos.—sa panulat ni Drew Nacino