Isinailalim na sa lookout bulletin ang pari na si Monsignor Arnel Lagarejos na naaresto matapos maaktuhan na kasama ang isang menor de edad na babae sa Marikina City.
Batay sa kautusan na inilabas ng DOJ o Department of Justice, dapat na i-monitor ang posibleng paglabas sa bansa ni Lagarejos upang takasan ang kinahaharap nitong kaso na human trafficking.
Malaki umano ang posibilidad na lumabas ng bansa si Lagarejos upang takasan ang kinahaharap na kasong human trafficking.
Nauna rito, naghain ng reklamo ang Public Attorney’s Office (PAO) ng kaparehong kaso sa Regional Trial Court (RTC) ng Marikina ngunit nakapagpiyansa rin agad ang pari.
Lumabas sa imbestigasyon na dalawang beses nang nai-book ni Lagarejos ang dalagita bago pa ito maaresto sa isang motel kung saan niya ito idinala.