Patay ang isang paring Katoliko matapos na pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Gattaran Cagayan.
Kinilala ang biktima na si Father Mark Anthony Yuaga Ventura na residente ng Barangay Naruangan sa bayan ng Tuao.
Ayon kay Cagayan Provincial Police Chief Senior Supt. Warren Tolito, batay sa kanilang imbestigasyon, katatapos lamang mag-misa si Father Ventura at nagbibigay ng blessings sa mga bata nang lapitan ng isang naka-helmet na lalaki at barilin ng dalawang beses.
Agad na nasawi ang pari sa tinamong tama ng bala habang tumakas naman ang salarin sakay ng isang nakaabang ng lalaking naka-motosiklo.
Patuloy namang inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng salarin.
—-