Isang pari sa Bicol ang pinagbawalan na umano sa kanyang clerical duties dahil sa pagpasok sa pulitika.
Noong Oktubre 8, naghain ng kandidatura bilang Mayor ng Libmanan si Father Granwell Pitapit na nanilbihan bilang pari ng dalawang dekada at makakalaban si Incumbent Mayor Bernard Brioso.
Gayunman, nilinaw ni Bishop Jose Rojas Jr. ng Libmanan, Camarines Sur, hindi pinapayagan ng batas ng simbahan ang mga pari na lumahok sa pulitika.
Ito ang dahilan kaya’t sinuspinde ng simbahang Katolika si Pitapit na hindi na maaaring makabalik sa pagpapari lalo’t malabo nang baligtarin ang suspensyon.
Bagaman malaya na ang pari na lumahok sa mga sekular na gawain, hindi pa rin anya napapawalang-bisa ng suspensyon ang ilang 10 tungkulin bilang pari gaya ng celibacy o hindi pagkakaroon ng asawa.
Samantala, sasabak din sa pulitikasina FR. Emerson Luego ng Diocese of Tagum na tatakbo bilang mayor ng bayan ng mabini, Davao De Oro at Fr. Emmanuel Alparce na tumatakbong konsehal ng bayan ng Bacacay, Albay.—sa panulat ni Drew Nacino