Naghahanap na ng pansamantalang a-ampon kay Father Chito Soganub, ang paring binihag ng grupong Maute sa Marawi City.
Ito ayon kay Marawi Bishop Edwin Dela Peña ay dahil hindi muna itatalaga si Soganub sa Mindanao Region.
Sinabi ni Dela Peña na bibigyan muna niya ng dalawa hanggang limang taon si Soganub para makapag-pahinga at magpagaling mula sa matinding trauma sa kamay ng mga terorista.
Gayunman, inihayag ni Dela Penia na welcome pa din si Soganub na magbalik sa Mindanao kung nanaisin nito.