Hawak na ng Joint Task Force Marawi si Father Chito Suganob, isa sa mga naunang binihag ng Maute Group nang pasukin nila ang Marawi City noong Mayo.
Maliban sa impormasyong ito ay tumanggi na si AFP Spokesman Major General Restituto Padilla, Spokesman ng AFP o Armed Forces of the Philippines na magbigay ng iba pang detalye hinggil sa pagkaka-rescue ng militar sa pari at kung may iba pang hostages na nailigtas.
Ayon kay Padilla, ayaw nilang maapektuhan ang kasalukuyan pa ring rescue operations na isinasagawa ng militar sa Marawi City para sa iba pang bihag.
“Marami-rami pa (ang hawak nilang bihag) siguro yan ang rason kung bakit hindi masyadong dini-discuss ng Joint Task Force Marawi ang kanilang pagkakakuha kay Father, kailangan pa kasing matukoy natin at makuha ang mga natitira pang bihag, marami-rami pa sila ayon sa nakukuha naming ulat, patuloy tayong nakakakuha ng impormasyon sa mga nakakatakas at ‘yan ang bumubuo sa pag-intindi natin sa sitwasyon.” Ani Padilla
Sa ngayon ay lumipad na ang eroplanong lulan si Fr. Suganob pa-Maynila mula sa Marawi City.
Inaasahan rin ang isang press conference ukol sa pagkakasagip sa pari ngayong ala-1:00 ng hapon.
PHOTOS From: Zia Alonto Adiong
(Ratsada Balita Interview)