Sinampahan na ng reklamong Qualified Trafficking in Persons sa Department of Justice ang paring naaresto sa entrapment operation sa isang mall sa Sumulong Highway sa Marikina noong July 28 dahil sa umano’y panghahalay sa isang 13 anyos.
Personal na pinanumpaan ng biktima at ng kanyang ina ang reklamo laban kay Monsignor Arnel Lagarehos sa harap ni Assistant State Prosecutor Romeo Galvez.
Kasama ng biktima ang Public Attorney’s Office at Volunteer Against Crime and Corruption nang magtungo sa DOJ.
Bukod sa 55 na pari, kasamang inireklamo ni alyas Anna ang apat na iba pa na sinasabing nagsilbing bugaw noong gabing ipasok siya sa isang motel sa Marikina City.
Samantala, matapos pumutok ang balita, agad tinanggalan ng kapangyarihan si Lagarejos bilang kura-paroko ng st. John the Baptist Parish ng Taytay at Presidente ng Cainta Catholic College, sa Rizal.
By: Drew Nacino / Bert Mozo
SMW: RPE