Niratipikahan na ng Senado ang Paris Agreement on Climate Change na naglalayong palakasin ang mga batas hinggil sa kalikasan.
Walang naging pagtutol mula sa 22 Senador para aprubahan ang nasabing kasunduan na una nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dahil dito, sinabi ni Senate Climate Change Sub-Committee Chairman Loren Legarda na makakukuha na ng tulong ang Pilipinas mula sa mga industriyalisadong bansa para sa climate mitigation at adaption.
Kasama rin sa naturang kasunduan ang mahigpit na pagpapatupad ng Pilipinas sa mga batas na sumusuporta sa kalikasan para sa kapakinabangan ng mas nakararaming Pilipino.
By Jaymark Dagala / Cely Bueno (Patrol 19)