Ganap nang sinelyuhan ng halos 200 bansa sa mundo kabilang na ang Pilipinas ang makasaysayang kasunduan upang labanan ang global warming.
Ito’y matapos magkasundo ang mga kasaping bansa ng 21st Conference of Parties o COP 21 na gamitin ang final draft ng Paris agreement na ikinasa ng France.
Nakasaad sa nasabing kasunduan ang paglipat ng mga industriya sa renewable energy mula sa nakasanayan nang paggamit ng coal, oil at gas para maibsan ang greenhouse gasses emission ng hanggang 2 degrees celcius o mas mababa pa.
Dahil dito, sisimulan na rin ng mga malalaking bansa ang pagtulong sa mga maliliit para makahabol sa pagsugpo sa global warming na siyang sanhi ng climate change.
By: Jaymark Dagala