Epektibo na sa Pilipinas simula kahapon ang Paris agreement on climate change kasabay ng Earth day.
Ipinatupad ang Paris agreement mahigit isang buwan matapos ratipikahan ng senado ang naturang climate deal.
Ayon kay Senate Committee on Climate Change Chairperson Loren Legarda, sa ilalim ng kasunduan, dapat magbawas ng carbon emissions ang mga lumagda upang maiwasan ang global warming at climate change.
Ang Pilipinas anya ang ika-isandaan tatlumpu’t walong bansang nag-ratipika sa tratado simula nang una itong lagdaan sa ilalim ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong April 2016.
By Drew Nacino
Paris Climate Agreement epektibo na sa Pilipinas was last modified: April 23rd, 2017 by DWIZ 882