Ipatutupad na simula sa araw na ito ang Paris Agreement, isang kasunduan ng mga bansa kung paano tutugunan ang climate change.
Layon ng kasunduan na bawasan o mapababa ang greenhouse gas omission sa buong mundo pagsapit ng 2030.
Nagkabisa ang Paris Agreement makaraang i-ratify o pagtibayin ito ng 73 bansa o katumbas ng 55 percent ng 195 mga bansa na lumagda na sa kasunduan.
Abril ng taong ito nang lumagda ang Pilipinas sa Paris Agreement subalit hindi pa ito napapagtibay.
Una nang nagpahayag ng pagtutol ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Paris Agreement dahil mababalam anya ang pag-unlad ng bansa subalit kumambyo ito kalaunan at sinabing susundin niya kung anuman ang maging payo ng kanyang legal advisers at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.
By Len Aguirre