Nakiisa ang Paris sa mga french cities na mag-boycott sa fan zones ng FIFA World Cup dahil umano sa social at environmental issues.
Maliban sa Paris, ang mga lungsod ng Lille, Marseille, Bordeaux, Strasbourg at Reims ay nag-anunsyo rin na hindi na mag-oorganisa ng public viewings para sa nasabing event.
Ayon kay Pierre Rabadan, Paris Deputy Mayor of Sport, hindi umano ito ang nais nilang I-promote dahil kinokondena nila ang human rights abuse at environmental concerns sa naturang bansa.
Simula nang manalo ang qatar sa bid para maghost ng world cup noong 2010, mahigit 6,000 migrant workers ang namatay