Isinusulong ngayon sa Senado ang isang panukalang batas na layong protektahan ang mga motorista laban sa matataas at di makatarungang singil sa parking sa mga establisyemento.
Layon ng Senate Bill 745 o Parking Fee Regualtions Act na magkaroon ng standard na parking fee sa lahat ng mga establisyemento.
Ayon kay Sen. Sherween Gatchalian, may akda ng panukala, dapat ay P40 na ang singil sa unang walong (8) oras at P10 naman para sa succeeding hours.
Kapag naman aniya bumili ang customer ng halagang P1,000 sa establisyemento, kung saan siya ng park, malilibre na ang unang walong (8) oras nito.
Dagdag pa ng senador, dapat ay magkaroon din ng pananagutan ang establisyemento sakaling may mawala o manakawan ang isang sasakyan na nagbayad para magpark sa kanilang lugar.