Nagpaliwanag si Major General Antiono Parlade sa di umano’y pag-gate crash sa isang forum hinggil sa red tagging na ginagawa ng pamahalaan.
Ayon kay Parlade, nais lamang nyang ipagbigay-alam sa mga lumahok sa forum na hindi tinatarget ng pamahalaan ang mga dissenters o mga hindi sumasang-ayon sa gobyerno.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Parlade na nagtungo sya sa forum upang ipakita sa mga lumahok ang mga dokumento ng Communist Party of the Philippines.
Binigyang diin ni Parlade na isinusulong ng pamahalaan ang demokratikong proseso at ayaw nyang sirain ito ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Si Parlade ay inaakusahang nasa likod ng red tagging ng mga estudyante at pagpapa-aresto sa mga kumokontra sa sistema ng pamamahala ng pamahalaan.