Pinaiimbestigahan na ni AFP Chief Lt. General Cirilito Sobejana sa provost marshal si Lt General Antonio Parlade Jr.
Kasunod na rin ito nang ginawang red tagging o pag-aakusa ni Parlade sa reporter ng inquirer.net na si Tetch Torres-Tupas na isang propagandista ng mga terorista.
Ayon kay Sobejana inatasan na niya ang provost marshal na makipag-ugnayan sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF -ELCAC) partikular na sa Strategic Communications Committee.
Dapat aniyang malinaw kung ang naging pahayag ni Parlade ay bilang tagapagsalita at may basbas ng NTF-ELCAC dahil may due process na kailangang sundin.
Sinabi pa ni Sobejana na hihintayin niya muna ang resulta ng imbestigasyon ng provost marshal bago gumawa ng susunod na hakbang laban kay Parlade na una na ring pinaiimbestigahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.