Nagpasalamat ang kampo ng aktres na si Liza Soberano sa pamunuan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Lt. General Antonio Parlade Jr., tagapagsalita ng NTF-ELCAC, na nagpasalamat ang abogado ni Liza Soberano kay Perlade matapos niyang balaan ang aktres sa tunay na motibo ng Gabriela na siyang pinapatakbo ng makakaliwang grupong Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA).
Nagulat din aniya ang pamilya ng aktres sa masamang gawi ng naturang grupo.
Tumawag sa akin si Atty. Lim, nagpasalamat sya. Ininform lang kami, ‘Sir, maraming salamat doon sa impormasyon na shinare niyo.’. Nakarating sa kanila doon at nagwo-worry nga ‘yung family kasi bakit sya bina-bash? Ano ba ang Gabriela? Nagulat ‘yung pamilya. So, doon nila naintindihan noong mag-share ako ng post at nakita nila ‘yung mga picture ng mga Gabriela youth na namatay sa engkwentro, doon nila naintindihan, mali pala ‘yung pinasok na webinar,” ani Parlade.
Paliwanag ni Parlade, walang masama sa adbokasiya ni Soberano, pero ang mali lamang ay ang grupong binahagian nito ng kanyang pananaw sa isang ginanap na webinar.
Talagang target kasi, ani Parlade, ng Gabriela at iba pang mga makakaliwang grupo ang mga kilalang personalidad gaya ni Soberano, dahil umaasa ang mga itong marami pang maiimpluwensyahan.
‘Yung Gabriela na ito, tinitingnan nila ‘yung personalities, ano ‘yung mga advocacies nila and then sasakyan nila, then hihilahin nila, ganoon sila mag-recruit. Nakaktakot ‘yung marecruit nila mga celebrities, kasi maraming followers ito,” ani Parlade.
Kaugnay nito, ani Parlade, welcome at walang masama sa paghahayag ng adbokasiya o kahit pa man maging kritiko ng pamahalaan, basta’t ito’y sa tamang pamamaraan lamang at hindi idaraan o maiipluwensyahan ng mga terorista o makakaliwang grupo.
To be critical about the government, that’s welcome, very specific sa anti-terror law, itong bagong batas na ito, hindi ipinagbabawal na maging aktibista ka, maging kritiko ka ng gobyerno, no, that’s welcome, that’s part of our democratic space. Kaya lang, ang iniiwasan natin doon, lalong lumalim ‘yung mga sinisigaw… ang isisigaw mo na ngayon ay sumali sa rebolusyon, that’s another thing,” ani Parlade.
Kasunod nito, ani Parlade, tiwala naman siyang hindi aanib ang mga kilalang personalidad sa mga makakaliwang grupo dahil batid niyang matatalino ang mga ito.
Ang importante doon, the knowledge about this organization. Actually, it’s also part of the anti-terror law. For you to be tagged or to be part of an organization, you have specific knowledge that these organizations are, or is, a terrorist organization, at kapag ikaw ay sumali, magiging liable ka,” ani Parlade. —sa panayam ng Santos at Lima sa 882