Patay ang bagong halal na Member of Parliament (MP) matapos pagbabarilin sa Shan state sa Myanmar.
Ayon kay Myo Nyunt, tagapagsalita ng National League for Democracy (NLD), nasa loob ng kanilang shop ang biktimang si Htike Zaw nang paputukan ng gunman.
Matatandaang nakakuha ng upuan sa parliyamento si Zaw matapos manalo sa general election noong ika-8 ng Nobyembre kung saan nangibabaw rin sa pamamagitan ng landslide victory ang kanilang partido.