Inihihirit ni House Majority Floor Leader at Ilocos Norte Representative Rodolfo Fariñas sa MMDA o Metropolitan Manila Development Authority ang bigyan ng parliamentary immunity ang mga mambabatas na masasangkot sa minor traffic violation.
Sa budget deliberation para sa MMDA, sinabi ng mambabatas na kailangan iyon para hindi mabalam ang kanilang pagganap sa tungkulin bilang mga halal na opisyal ng taumbayan sa pagbalangkas ng mga batas.
Hiniling ni Fariñas na huwag munang hulihin ng mga traffic enforcers ang mga mambabatas na nasangkot sa minor traffic violation lalo na kung naghahabol na iyon ng oras para dumalo sa sesyon o iba pang okasyon na may kinalaman sa kanilang trabaho bilang mambabatas.
Binigyang diin pa ni Fariñas ang nakasaad sa saligang batas na hindi maaaring arestuhin ang isang mambabatas habang mayroong sesyon ang Kamara o ang Senado.
Bagay na lalong nagpainit naman sa ulo ng mga netizens kaya’t inulan ng kaliwa’t kanang batikos sa social media ang kongresista.
—-