Hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong ang anak ni dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr. sa kasong illegal possession of drugs.
Napatunayan ng Quezon City Regional Trial Court na nilabag ni Reynaldo Parojinog Jr. ang Section 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bukod dito, inatasan din ng Korte ang nakababatang Parojinog na magbayad ng multang nagkakahalaga ng kalahating milyong piso.
Magugunitang, naaresto si Reynaldo Jr. kasama ang kanyang kapatid na si Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog sa madugong operasyon ng pulisya sa kanilang tahanan noong 2017 na ikinasawi ng kanilang mga magulang at 13 iba.
Narekober din sa kanilang bahay ang ilang iligal na droga, isang punto apat na milyong pisong cash at mga matatas na kalibre ng armas.