Ibinasura ng Malabon RTC ang kasong murder at parricide laban sa dating asawa at biyenan ni Ruby Rose Barrameda na natagpuang patay sa Navotas noong 2009.
Ibinasura ng Malabon RTC branch 179 ang parricide case laban kay Manuel ‘Third’ Jimenez III dahil walang na establishh na probable cause na ito ang may pakana sa pagpatay sa kanilang asawa.
Hindi rin pinaboran ng Korte ang murder case laban sa biyenan ni Barrameda na si Manuel Jimenez, Jr. Gayundin kina Lennard Spyke Descalso at Norberto Ponce matapos mabigo ang prosecution na patunayang may direktang papel ang mga ito sa pagkamatay ng biktima.
Ang pinagtapunan sa labi ni Barrameda at mga suspek sa pagpaslang dito ay itinuro ni Manuel Montero na naging state witness subalit binawi ang kaniyang mga pahayag at bigla na lamang itong nawala.
Kaugnay nito naghain na ng motion for reconsideration ang pamilya Barrameda sa desisyon ni Judge Edwin Larida, Jr. na hiniling din nilang mag inhibit sa paghawak sa nasabing kaso dahil sa pagiging bias sa mga akusado.
Iginiit ng pamilya Barrameda na hindi pinansin ni Larida ang findings ng DOJ, Court of Appeals at maging ng Supreme Court sa sufficiency nang pagkakasangkot ng batang Jimenez sa parricide case.
Dahil dito umapela na rin ang pamilya Barrameda sa Pangulong Rodrigo Duterte.